
Kabanata 2 ng 3
Clean Oceans
Kahapon,
pagsapit ng hatinggabi,
ang mga pabrika ng plastik sa mundo ay nakagawa ng 876,000 tonelada ng bagong materyal na plastik. Ang bigat na ito ay katumbas ng 2,500 na mga jumbo jet, araw-araw...

...Ngunit problema ba ito?
Kunsabagay, ang plastik ay magandang produkto. Maiiba ang ating pamumuhay kung wala nito...
Pangkalusugan
Milyong buhay ang nailigtas ng mga Personal Protective Equipment (PPE) na gawa sa plastik sa panahon pandemya ng COVID-19 at sa araw-araw na buhay-medikal.

Sisidlan
Sisidlan ng maraming bagay ang plastik at dahil magaan ito, nababawasan ang bigat sa transportasyon kaya nakatitipd sa gasolina at nakababawas sa maruming usok.
Produkto
Matibay ang mga produktong plastik, hindi ito naagnas, nababasag, naapektuhan ng UV rays at ng iba pa kaya hindi ito kailangang palitan ng mas madalas, di tulad ng iba.
Ano ang problema?
Basurang Plastik
Sa 320 milyong tonelada ng plastik na ginagawa bawat taon, 70% ang itinatapon sa parehong taon. 8% lamang sa mga ito ang naresiklo, samakatuwid, 203 milyong tonelada ay napupunta sa mga tambakan ng basura, sunugan o sa mga karagatan, kada taon.
Ang plastik na ito ay hindi kayang iresiklo ng mga teknolohiya at proseso ngayon.
Nakamamatay ang basurang plastik....
-
May 51 trilyong piraso ng plastik sa karagatan. 51 trilyong nakamamatay na panganib iyon na dapat iwasan ng mga hayop sa karagatan.
-
Natuklasan sa isang pag-aaral na 75% ng lahat ng mga isda sa Nile River ay mayroon microplastic.
-
Dalawa sa bawat tatlong ibon ay apektado ng polusyon ng plastik. Ayon sa isang pag-aaral, 98% ng mga albatross ay nakalulon ng plastik, at 40% sa kanilang mga sisiw ang namatay dahil pinakain sila ng plastik.
Dapat makahanap ng paraan ang mundo upang bawasan ang basurang plastik, ngunit...

Ngayon,
pagsapit ng hating-gabi,
ang mga pabrika ng plastik sa buong mundo ay muli na namang gagawa ng 876,000 milyon tonelada ng bagong materyal na plastik, sa isang araw. Gumon na ang tao sa plastik.
Kaya nga,
paano kung may agarang solusyon upang maresiklo ang lahat ng basurang plastik?
Maligayang Pagbisita sa Clean Planet Energy

Ang 7 uri ng plastik...
Ang Clean Planet ecoPlant ay nagreresiklo ng basurang plastik na non-recyclable

#1 - PET
Bote ng softdrink, lalagyan ng fruit juice, bote ng mantika, bote ng tubig
Nareresiklo sa tradisyonal na paraan

Maaari ngunit mas piniling huwag tanggapin ng CPE ecoPlants dahil may ibang alternatibo

#2 - HDPE
Lalaygan ng gatas, mga panlinis, bote ng shampoo, film, mga panlaba
Hindi gaanong nareresiklo sa tradisyonal na paraan

Tinatanggap at nireresiklo ng CPE ecoPlant ang lahat ng uri ng HDPE
#3 - PVC
Mga kagamitang de-kuryente, thermal insulation, banner, pampalutang, ibang mga laruan
Hindi gaanong nareresiklo sa tradisyonal na paraan

Maaari ngunit mas piniling huwag tanggapin ng CPE ecoPlants para sa mga pasimulang planta

#4 - LDPE
Mga film, shopping bag, mga sako, at mga pambalot
Hindi gaanong nareresiklo sa tradisyonal na paraan

Tinatanggap at nireresiklo ng CPE ecoPlant ang lahat ng uri ng LDPE
#5 - PP
Takip ng bote, balot ng biskwit, paso ng halaman, straw, mga baonan
Hindi gaanong nareresiklo sa tradisyonal na paraan

Tinatanggap at nireresiklo ng CPE ecoPlant ang lahat ng uri ng PP
![gg119278623 [Converted].png](https://static.wixstatic.com/media/99b615_b8ef8cfd87b648b090d2f7ebfa1b3120~mv2.png/v1/fill/w_142,h_60,al_c,q_85,enc_auto/gg119278623%20%5BConverted%5D.png)
#6 - PS
Tray ng itlog, tray ng mga fastfood, disposable cup, mga pambalot at kahon ng cd
Hindi gaanong nareresiklo sa tradisyonal na paraan

Tinatanggap at nireresiklo ng CPE ecoPlant ang lahat ng uri ng PS

#7 - The Rest
Nylon, fiber textile, polycarbonate (cup, bote) at mga sangkap nito
Hindi gaanong nareresiklo sa tradisyonal na paraan

Tinatanggap at nireresiklo ng CPE ecoPlant ang halos lahat ng uri ng Grade #7
KONTAMINASYON
Dumi, Tubig, Tirang Pagkain, Amag at iba pa
Kailangang 99.99% na puro/malinis ang plastik upang maproseso

15% level ng konaminasyon
Halos lahat ng plastik
Kayang iproseso at iresiklo ng CPE ecoPlant ang halos lahat ng plastik





Sa pag proseso ng higit 20,000 metriko toneladang plastik sa isang taon, napipigilan namin ang pagpasok ng basurang ito sa ating kapaligiran at karagatan. Nakabawas din sa CO2e ang hindi pagsusunog sa mga ito.
Ngunit paano kung maaaring gamitin ang mga naresiklong plastik na ito upang linisin ang ating hangin?
Clean Oceans. Clean Air. Clean Planet Energy.
hello [at] cleanplanetenergy.com
UK: +44 (0)203 195 3814
USA: +1 (713) 400 6171
Clean Planet Energy ® 2018 - 2022
UK:
Kemp House
152-160 City Road
London
EC1V 2NX, UK
USA:
5850 San Felipe St
Suite 500
Houston, TX
70757, USA