Nakikipagtulungan ang RiverRecycle sa Clean Planet Energy sa Timog-Silangang Asya

Inanunsyo ngayon ng RiverRecycle at Clean Planet Energy ang kanilang kasunduan ng pagtutulungan na naglalayong suportahan ang mga pandaigdigang pagsisikap upang tanggalin ang mga non-recyclable na plastik mula sa mga ilog at sa kapaligiran ng Timog-Silangang Asya, at gawing malinis na gasolina ang mga ito. Ang pokus ng pagtutulungang ito ay magsisimula sa Indonesia at sa Pilipinas.


Ang RiverRecycle, may punong-tanggapan sa Helsinki, ay naglalagay ng mga sistema ng pamamahala sa basura sa mga baybayin ng mga pinaka-maruruming ilog, upang kolektahin ang mga basurang plastik at mga lumulutang na basura. Ang Clean Planet Energy, may punong-tanggapan sa UK, ay nagtatayo at nangangasiwa ng mga ecoPlants, mga pasilidad na nakatutulong sa kapaligiran, na mula sa mga non-recyclable na basurang plastik (kagaya ng mga nakokolekta ng RiverRecycle) aynagagawa ang malinis na gasolina na maaring ipalit sa karaniwang gasolina.


Ang RiverRecycle, na may operasyon sa 7 bansa kabilang ang Indonesia at Pilipinas, ay ginawaran kamakailan ng pondo mula sa ICTSI Foundation upang suportahan ang pag-aalis ng mga itinapong plastik sa Ilog Pasig sa Maynila. Ang mga gawaing ito, kabilang ang iba pa, ay isusulong sa pakikipagtukungan ng Clean Planet Energy,kung saan ang kanilang malinis na gasolina gawa mula sa basurang plastik ay kayang makabawas ng 75% sa CO2e emission kumpara sa karaniwang gasolina.


Hindi bababa sa 8 milyong tonelada ng plastik ang napupunta sa ating mga karagatan, bawat taon, na ngayon ay bumubuo na sa 80% ng lahat ng kalat sa dagat (mula sa ibabaw ng tubig hanggang sa kailaliman ng karagatan). Ayon sa mga pag-aaral sa nakaraang 10 taon, ang ilog ang pangunahin pinagdaraanan ng mga basura papuntang karagatan, kung saan 80% sa mga basurang nasa karagatan ay mula sa kalupaan. Ayon sa ulat ng National Geographic sa taong ito, ang 44 sa 50 pinaka-maruruming ilog ay nasa Asya o Timog-Silangang Asya.

Trash Pollution in Manila Bay, Philippines
Plastic Pollution in Manila Bay, Philippines

Sa pagtuon namin sa Timog-Silangang Asya, tinutuunan ng RiverRecycle ang mga pinaka-apektadong lugar malapit sa mga ilog. Upang makagawa ng paikot na ekonomiya, dapat tayong lumikha ng sistema ng pamamahala ng basura upang tulungan ang lokal na munisipalidad na mabisang pamahalaan ang mga basurang plastik, at mula sa mga basurang iyon ay makagawa ng mga mapapakinabangang materyal, ito ang bahagi na inaabangan namin sa pakikipagtulungan sa Clean Planet Energy’, saad ni AnssiMikola, CEO ng River Recycle

"Tayo ay nasa isang pandaigdigang krisis sa plastik at karbon, at ito ay hindi kayang lutasin ng isang kumpanya, grupo, indibidwal o pundasyon ng mag-isa lamang", dagdag ni Bertie Stephens, ang CEO ng Clean Planet Energy. Ang RiverRecycle at Clean Planet Energy ay parehong may makabago at angkop na teknolohiya na may kakayahang alisin ang mga basurang plastik sa ating kapaligiran sa halip na ito ay mapunta sa mga karagatan, at sa pamamagitan ng paggamit ng ecoPlant, ang mga basurang ito ay magagawang isang malinis na gasolina na maaaring ipalit sa karaniwang gasolinang gamit sa sasakyang pang-transportasyon (tulad ng barko at eroplano), na walang ibang alternatibong gasolina. Upang mapagtagumpayan ang krisis na ito, kailangan ang mga teknolohiya, at ang partnership na ito ay isang halimbawa ng naturang synergy.


Sinimulan na ng RiverRecycle at Clean Planet Energy ang development ng unang ecoPlant at ng sistema ng koleksyon ng basura sa Maynila sa Pilipinas. Inaasahang magsisimula ang konstruksyon nito sa unang bahagi ng taong 2022, at isusunod ang katulad na proyekto sa Indonesia. Makikita ang mga dagdag na kaalaman tungkol sa Riverrecycle, sa https://www.riverrecycle.com/, at tungkol sa Clean Planet Energy sa https://CleanPlanetEnergy.com, kung saan ang mga website na ito ay nakasalin na sa lokal na wika ng Pilipinas at Indonesia.